Oct 26 2007
Mga Kuwento ni Lola Chayong…
Hello sa lahat! Na-aalala ko lang ang mga kuwento ni Lola Chayong nung mga bata pa tayo. Isang kuwento niya ay nagmula sa panahon ng Hapon.
“Ako lamang at ang mga nanay ninyo dahil ang Lolo ninyo ay nagtratrabaho. Isang gabi, bumili ako ng ilang salop ng bigas. Delikado noong mga panahong iyon na maglakad ang isang babae sa gabi dahil maari kang katuwaan ng mga Hapon.”
“Habang naglalakad ako at bitbit ko ang ilang salop ng bigas, nagdarasal ako na sana ay iligtas ako sa anumang sakuna. Maraming mga sundalong Hapon na nagkalat sa daan. Taimtim ang dasal ko at nagmamadali akong maglakad. May nakita akong isang babaeng may kasamang bata na bitbit ang kanyang tsinelas. Sumigaw ako, “Ale, puwede po bang maghintay kayo at sasabay ako sa inyong maglakad?” Hindi raw lumingon ang ale, at mabilis ang paglakad. Pilit daw sinundan ni Lola Chayong ang mag-ina.
Tuloy-tuloy ang lakad ng mag-ina. Habol pa rin si Lola Chayong hanggang sa halos malapit na siya sa bahay. Pag-ikot sa kanto, sinundan ni Lola ang mag-ina. Ngunit ng siya ay umikot sa kanto, nawala na sa paningin niya ang mag-ina. Hindi niya malaman kung saan nagpunta. Nakarating si Lola Chayong sa bahay ng mapayapa pero iniisip niya kung saan nagpunta ang mag-ina. Pumunta siya sa altar at nagpasalamat sa Diyos at siya ay di napahamak. Nakita niya ang litrato ng Ina ng Laging Saklolo at kinilabutan siya. ”
“Ang litrato ng Ina ng Laging Saklolo ay ang Mahal na Ina, bitbit ang batang Jesus na malalaglag na ang tsinelas.”
Lalong nagpasalamat ang Lola Chayong dahil sabi niya, ang nagligtas sa buhay niya ay ang Ina ng Laging Saklolo na gumabay sa kanya sa paguwi ng mapayapa.
Ang ganda ng kuwento ni Lola no? Mayroon ba kayong mga kuwento ni Lola or Lolo na maari ninyong i-share dito sa website natin?
Magandang alalahanin ang mga panayam ng Lola at Lolo. Isang magandang ala-ala para sa ating mga naiwan nila rito.
Go ahead, and send me your stories and we will share it here sa Sanglahi.com
God Bless!

I only remember Lola Chayong preparing food for her tended pigs, going through the kaninbaboy (leftover foods brought by the whole neighborhood) to look fishbones recook the leftover to give to the pigs.
I remember hiring a male pig for hire to get the females pigs pregnant. The deal is that if the female pig gets pregnant, the owner of the male pig gets to have one of his choice of the piglets.
And mostly remember Lola always have candies in her pocket for every kid that godblesses (mano po) her hand upon greeting her.
Here’s a good one of Lola Chayong.
Every end of the day, somebody has to take Lola home to Tita Luding’s house (Grocery) and you know…. You have to tag along crossing the street of Quirino avenue and then Airport road..You know what I mean …YOU have to wait until all the cars and jeeps clear the road and it takes forever ..
BUT you know it is safe with LOLA every time..
Tama nga yan Kuya Rey. Naalala ko pa ang lola Chayong nung araw din, galit na galit sa sumpit. Kapag nasasalubong namin si Lola noon at nakitang may hawak kaming sumpit, aagawin niya at babaliin tapos itatapon sa kalan ng kaning-baboy. Haha. Ayan din niya ng laruang baril-barilan at masama raw yon.
Pero lagi namang may dalang candy ang lola para sa mga batang nakakasalubong niya. Laging masaya.
sanglahi’s last blog post..Mga Kuwento ni Lola Chayong?
yap! minsan pagwalang goya, malaking piso ang reward ni lola chayong o barya tig benchingko,na nakalagay sa panyo..opo,, malakas pa si lola chayong up to my sophomore year in highschool..
madaming nagbebless kay lola,,neighbors,pati mga datihang nagaral sa skwelahan..
Aba inabot mo pa pala Jen ang papahatid kay Lola Chayong. That’s well and good. Good memories are always there and made for those moments that we’re missing them. Wahhhhhh!! [-O